May apat na klaseng Amigo Plus Services ang pwede mong matanggap:
- Insulated box: Ginagamit ito kapag naghahatid ka ng mainit o malamig ang order.
- Cash Handling: Ito ang paghatid mo ng pera at cash equivalents tulad ng cheke, GCs, at vouchers sa trip. Tanggapin lang ang byahe kung ang cash na pinapahatid ay hindi tataas ng P2,000 at ang cash equivalents na pinapahatid ay hindi tataas sa P5,000.
- Amigo PasaBuy: Dito, bibilhin mo muna ang item at babayaran ka ng customer pag dating sa drop off point. Tanggapin lang ang PasaBuy service na kasya sa cash on hand mo at hindi tataas sa P2,000.
- Queuing Service: Sa Amigo Plus service na ito, pipila ka para kay customer para matulungan siya sa mga serbisyo tulad ng pagbayad ng bills, pagdeposit sa bangko, pag-order ng pagkain, at maram pang iba.